Sila ay kaagapay mo sa tagumpay man o kabiguan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

sila ay kaagapay mo sa tagumpay man o kabiguan?

Sagot verified answer sagot

Ang pamilya ang kaagapay ng isang indibidwal sa tagumpay man o kabiguan. Ang pamilya ang itinuturing na pinakamaliit nay unit na mayroon ang lipunan.

Ito ang pinaniniwalaang pinagmulan ng mga katangian at kaisipan na mayroon ang bawat tao. Ang mga katangian ng isang indibidwal ay nahubog say unit na ito. Kung kaya’t higit na nakikilala ng pamilya ang kakayahan at kahinaan ng isang indibidwal na mula sa kanila.

Kaya naman sa oras ng kasiyahan, ang laging takbuhan ay ang pamilya upang ipagdiwang ang tagumpay. Sa kabilang banda, sa oras ng kabiguan o matinding pangangailangan, ang pamilya rin ang laging kaagapay sapagkat dito nag-ugat ang pinakamalalim na pagmamahal ng isang tao sa kanyang kapwa.