Sino ang bayani mo sa kasaysayan? Bakit?

Katanungan Sagot

Katanungan

Sino ang bayani mo sa kasaysayan? Bakit?

Sagot verified answer sagot

Sino ang bayani mo sa kasaysayan BakitAng bayani ko sa kasaysayan ay si Andres Bonifacio. Isa siya sa mga pinakasikat nating bayani kahit na hindi man siya nakatapos ng pag-aaral gaya ng iba.

Pinatunayan ni Bonifacio na ang pagmamahal sa bayan ay wala sa antas ng edukasyon kung hindi nasa pagkamulat natin sa mga sugat at pagkalugmok ng bayan.

Kahit na hindi nakapupunta sa ibang bansa, nakagawa si Bonifacio ng paraan upang makahikayat ng kaniyang mga kababayan na sumali sa isang rebolusyong gagawin para sa bayan at para sa kalayaan ng Pilipinas.

Ayon pa sa tala ng ilang historyador, si Bonifacio naman talaga ang unang pangulo ng bansa. Isang nakamamanghang bagay para sa isang simpleng mamamayan.