Sino ang gumawa ng himig ng pambansang awit ng Pilipinas?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

sino ang gumawa ng himig ng pambansang awit ng pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Ito ay si Julian Felipe. Ang unang titulo na binigay ni Julian Felipe sa Lupang Hinirang ay Marcha Nacional Filipina.

Si Felipe ay ipinanganak sa Cavite City at itinakda bilang direktor ng unang nasyonal na banda ng Pilipinas noon. Siya noon ay isang guro ng musika at musikero rin.

Bukod pa rito, siya muna ay naging “organist” ng isang simbahan kaya siya rin ay nahasa at naipakita ang kaniyang talento sa musika, at nagkaroon ng pagkakataon para makapagbuo ng sariling kanta.

Siya rin ay lumahok noon sa rebolusyon upang labanan ang pananakop ng mga Espanyol kasama ang kaniyang mga kilala mula Cavite.