Sino ang nagmula sa katimugang Tsina at Indochina?

Katanungan

Sino ang nagmula sa katimugang Tsina at Indochina?

Sagot verified answer sagot

Ang nagmula sa katimugang Tsina at Indochina ay ang mga Malay.

Ayon sa kasaysayan ng bansang Pilipinas, bago pa man marating ang bansa ng mga iba’t ibang dayuhang nanakop rito ay mayroon ng iba’t ibang grupo ng mga sinaunang tao na nakarating sa bansa.

Kabilang sa mga ito Negrito na pinaniniwalaang mga sinaunang tao na nabuhay sa daigdig. Sila rin ay kilala sa tawag na pigmi o mga taong maliliit.

Kasama rin sa mga unang pangkat ng tao ang mga Indones na pinaniniwalaang una at ikalawang pangkat na nakarating sa bansa.

At ang mga Malay na nakilala bilang Awstronesyo na pinaniniwalaang ninuno ng mga Ilokano, Moro, Bisaya, Tagalog, Ifugao, at Kapampangan.