Katanungan
sino ang nagsasalita sa tulang elehiya sa kamatayan ni kuya?
Sagot
Mula sa akdang nabasa natin na may pamagat na Elehiya sa Kamatayan ni Kuya, ating maririnig ang mesaheng nais iparating ng nakababatang kapatid ng yumaong tao.
Elehiya ang tawag sa isang uri ng panitikan, kadalasan sa porma ng tula, na naglalaman ng mensaheng may bahig ng kalungkutan.
Ito ay kadalasan na binabasa sa isang lamay o libing kaya naman alam natin na ang nagsasalita sa akdang ating kababasa pa lamang ay namatayan ng mahal sa buhay.
Sa kanyang elehiya ay isinulat niya kung gaano niya hinangaan ang kanyang kuya noong nabubuhay pa ito at kung gaano kabuting kapatid ang kanyang kuya.