Sino ang namuno sa HUKBALAHAP?

Katanungan Sagot

9

Katanungan

sino ang namuno sa hukbalahap?

Sagot verified answer sagot

Si Luis Mangaluc Taruc ang namuno sa HUKBALAHAP. Ang HUKBALAHAP o ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon ay isang hukbo na naglalayong maipaglaban ang Pilipinas laban sa pananakop ng dayuhang bansang Hapon.

Ang kilusang ito ay naitatag sa Gitnang Luzon sa pangunguna ni Luis Taruc na kung saan ang bawat kasapi ay nagkaisa na tawaging HUKBALAHAP ang pangkat alinsunod sa layunin nito.

Dahil sa lusob-takbo ang naging estratehiya ng kilusang ito, nagbunsod ito ng takot sa mga mamamayan dahil na rin sa pinsalang kanilang naidudulot sa lipunan. Ang paninindigan ng kilusang ito ay galing sa mga alipin at magsasaka na naninirahan sa Gitnang Luzon.