Sino ang pambansang bayani ng Pilipinas?

Katanungan

Sino ang pambansang bayani ng Pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Bagama’t hindi nakasaad sa kontistusyon ng ating bansang Pilipinas kung sino ang ating pambansang bayani, walang ibang tinuturing na pambansang bayani kung hindi ang magiting na si Dr. Jose Rizal.

Si Dr. Jose Rizal ang siyang sumulat ng mga akdang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na tumuligsa sa pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa.

Siya ay ipinanganak sa Calamba, Laguna noon ika-19 ng Hunyo taong 1861. Siya ay napakahusay sa maraming larangan, mula sining, panitikan, at hanggang medisina.

Binuo niya ang La Liga Filipino kung saan layunin ng samahan na mareporma ang bansa sa pamamagitan ng legal na pamamaraa. Ngunit siya ay itinuring ng Espanya na kalaban ng estado kaya naman siya ay ipinapatay.