Sino ang pinakahuling heneral na sumuko sa mga Amerikano?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

sino ang pinakahuling heneral na sumuko sa mga amerikano?

Sagot verified answer sagot

Si Simeon Ola ang pinakahuling heneral na sumuko sa mga Amerikano. Si Simeon Ola o sa tunay na pangalan ay Simeon Ola y Arboleda ay isang heneral na bikolano na ipinanganak noong ika 2 ng Setyembre taong 1865 sa Albay partikular na sa Guinobatan.

Siya ang kinikilalang heneral na nagbigay kalayaan sa Albay matapos itong masakop ng mga dayuhang Amerikano.

Nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipino, isinalaysay ni Hen. Taft na ang hukbong pinamumunuan ni Simeon Ola ang siyang naging pinakamabigat nitong katunggali.

Subalit taong 1903, ika-5 ng Setyembre kasama ng kanyang pangkat ay nadakip at kinilala siya bilang huling heneral na sumuko sa mga dayuhan at nahatulan ng pagkakabilanggo sa loob ng 30 taon.