Katanungan
sino ang tinaguriang master of the human figure?
Sagot
Ang tinaguriang Master of the Human Figure sa usaping Pilipino ay si Carlos Francisco o kilala rin sa tawag na Botong.
Si Carlos Francisco ay isa sa mga kinilala bilang Pambansang Alagad ng Sining partikular na sa pintura taong 1973.
Ang mga naging obra niya ay madalas na nakatuon sa bayanihan at iba’t ibang kapistahan. Kabilang din sa mga tuon niya ang mga tanawin na karaniwang nakikita sa paligid.
Subalit sa lahat ng ito ang naging paborito ni Botong ay ang paksa tungkol sa mangingisda sapagkat ito ang kanyang kinamulatan. Sa kabilang banda, ang internasyonal na Master of Human Figure ay kinilalang si Leonardo da Vinci.