Sino si Baron de Montesquieu?

Katanungan

sino si baron de montesquieu?

Sagot verified answer sagot

Isa sa mga pinakatanyag na Pilosopong Pranses si Baron de Montesquieu. Ang kanyang buong pagkakakilanlan ay Charles-Louis de Secondat, Baron de La Brède et de Montesquieu.

Ang kanyang presensiya sa pilosopong pampolitikal ay lubos na nakatulong sa bansang France. SIya ang nagpasimula ng teoryang tinagurian bilang “Theory of Separation of Powers”.

Sa ilalim ng teoryang ito, sinasabi ni Montesquieu na ang lehislatibong kapangyarihan ay dapat hindi lamang hinahawakan ng isang sangay ng gobyerno.

Marami ring mga naisulat si Baron de Montesquieu tulad ng “The Persian Letters” at “The Spirit of Laws.” Maraming saligang batas sa buong mundo ay hango sa kanyang mga inilathalang mga teorya.