Sino si Pericles?

Katanungan

Sino po si Pericles?

Sagot verified answer sagot

Si Pericles ay nagmula sa Gresya. Siya ay isa sa mga pinakatanyag na Griyegong politiko at orador. Naging heneral rin siya Atenas, ang pinakamalaking lungsod sa kanilang bansa.

Naranasan ng Atenas ang isa sa mga pinakamasigla at pinakamarangyang panahon nito sa ilalim ng pamumuno ni Pericles.

Ang panahong ito ay binigyang pagpupugay sa kanya kaya naman ay minsan itong tinatawag bilang “Panahon ni Pericles.”

Sa kanyang pangangasiwa sa Atenas ay kanyang itinatag ang Ligang Delian o Delian League na nabuo noong kasagsagan ng unang dalawang taon ng Digmaang Pelopensiyano.

Si Pericles ang siyang nagpakilala ng kahalagahan ng demokrasya, hindi lamang sa Atenas, kung hindi na rin sa kabuuan ng Gresya.