Sino sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

sino sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang minoan?

Sagot verified answer sagot

Ang pamayanang Minoan ay nahahati sa apat na pangkat ng tao. Ito ay ang mga maharlika, mangangalakal, magsasaka, at alipin.

Ang mga taong kabilang sa pangkat ng mga tinatawag na maharlika ay tinuturing na pinakamataas sa bawat pangkat. Ang mga mayroong kaya o mayayaman na indibodwal ay nabibilang sa pangkat na ito.

Ang mga mangangalakal naman ay pangkat ng tao kung saan ang mga nabibilang ay ang mga negosyante. Sa grupo naman ng mga magsasaka kabilang ang mga uri ng taong mababa na ang pangunahing ikinabubuhay ay pagsasaka.

Samantala, ang mga pangkat ng alipin naman ay ang pinakamababang pangkat. Ito ay ang mga taong minana ang pagka-alipin mula pa sa kanilang mga ninuno.