Katanungan
sino sino ang pangunahing tagapagtaguyod ng renaissance?
Sagot
Ang mga pangunahing tagapagtaguyod ng Renaissance ay sina Giovanni Boccacio at Francesco Petrarca.
Ang Renaissance o ang kinikilala sa kasaysayan na muling pagkasilang ay pinaniniwalaang itinaguyod ng dalawang mahalagang indibidwal na sin Giovanni Boccacio at Francesco Petrarca matapos nilang tuklasin ang mga kaalaman sa nakaraan sa larangan ng Hellenism at Humanismo.
Si Giovani Boccacio ang sinasabing kasama ni Franceso Petrarca na siyang nagsulat ukol sa renaissance na siyang naging isang mahalagang ambag sa kasaysayan.
Dahil sa pangunguna ni Petrarca sa pagtuklas na ito, siya ay kinilala sa kasaysayan bilang “Ama ng Humanismo”. Sa muling pagsiklab ng panahong ito sa Europa, maraming mga indibidwal din ang nakilala gaya nina Rene Descartes, William Shakespeare, Michaelangelo, at Galileo Galilei.