Sistema ng panulat sa Sumer?

Katanungan Sagot

Katanungan

sistema ng panulat sa sumer?

Sagot verified answer sagot

Cuneiform ang Sistema ng panulat na ginamit ng mga Sumer. Ang cuneiform ay isang sistemang panulat na ginamit sa kasaysayan na pinaniniwalaang ginamit partikular na ng mga Sumerian.

Ang pagsulat na ito ay hindi ginagawa sa isang papel sapagkat ito ay ginagawa sa pamamagitan ng madiin na pagmamarka sa mga tabletang luwad.

Ang panulat na ginagamit sa sistemang ito ay tinatawag na stylus o mas kilala bilang isang patpat. Ang mga marka ay isinusulat ng mga Sumerian habang ang luwad na tablet ay malambot pa lamang.

Pagkatapos nito, ang luwad na tablet ay ipatutuyo sa pamamagitan ng pagbibilad nito sa sikat ng araw upang sa gayon ay tumigas.