Sistemang ekonomiko na nakabatay sa konseptong ang yaman ng bansa ay nasa dami ng kanyang ginto at pilak?

Katanungan

sistemang ekonomiko na nakabatay sa konseptong ang yaman ng bansa ay nasa dami ng kanyang ginto at pilak?

Sagot verified answer sagot

Merkantilismo ang tawag sa isang sistemang pang-ekonomiya kung saan nakabatay sa mga ginto at pilak ang kayamanan ng isang bansa. Ang kaisipang ito ay unang umusbong at kumalat sa kontinenteng Europa.

Inaasam ng mga bansa sa Europa na maparami ang kanilang pinagmamay-aring mga ginto at pilak bagamat sila ay naniniwala na ito ang sukatan ng yaman ng isang bansa.

Tinuturing ang mga ginto at pilak bilang mga mahahalagang metal. Tunay nga naman at nakitaan ng pag-unlad sa ekonomiya, kabuhayan, at kalakalan ang mga bansang sumusunod sa merkantilismo. Ang mga bansang ito ang may pinakamaraming mga angking ginto at pilak sa buong kontinente.