Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog?

Sagot verified answer sagot

Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunogAng sistematikong balangkas ng mga binibigkas na tunog ay tinatawag na wika. Ang wika ay ang masistemang balangka ng mga sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipag-usap o komunikasyon.

Ayon sa depenisyon ng UP Diksyonaryo, ang wika ay ang lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang samabahayan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.

Isa pa, ito rin daw ay ang sistema ng tunog na gumagamit ng arbitraryong senyas sa pinagkaisahang paraan at pakahulugan. Maaaring ang wika rin ay isang senyas at simbolo na isinasaalang-alang sa paraang abstrakto na kasalungat ng binibigkas na salita.