Sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat na ginagawa ng mag-aaral na kursong Batsilyer

Katanungan Sagot

Katanungan

Sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat na ginagawa ng mag-aaral na kursong Batsilyer? Ano po ang tamang sagot?

Sagot verified answer sagot

Isa sa mga kinakailangang maisagawa ng mga nag-aaral ng kursong Batsilyer ay ang mga saliksik at tuklas na nakadetalye sa isang tila aklat na dokumento. Ito ay tinatawag na “thesis” o tesis sa wikang Filipino.

Ito ay isang disertasyon o akda na ginagawa ng mga mag-aaral lalo na ang mga kukuha ng digri o kursong batsilyer. Naglalabas ang tesis o saliksik na ito ng mga katotohanan, impormasyon, at maging kuro-kuro patungkol sa isang paksa.

Kinakailangang mahanap ng mga nagsasaliksik ang sagot sa tanong o ideyang inilibas nila na siya ring magiging pamagat ng tesis. Matapos ang ginawang saliksik, kinakailangan din nila itong iharap sa mga hurado o panel upang doon patunayan ang kanilang mga natuklasan.