Katanungan
Ibig po bang sabihin na isa sa mga dahilan ng pag-unlad ng ating wika ay ang paglipas ng panahon?
Sagot
Sa aking palagay, tama naman ang sinasabing isa sa mga dahilan kung bakit umuunlad ang ating wika ay dahil sa paglipas ng panahon.
Katulad ng sining na humuhubog sa kaluluwa ng panahon, ang wika ay nangangailangan din ng pagbabagong-anyo sa pagtakbo ng maraming panahon.
Hindi rin natin ito maiiwasan dahil paiba-iba ang henerasyon. Pero totoo namang masasabi natin na umuunlad ang wika kasabay ng paglipas ng panahon.
Kung titignan natin ngayon, mas nagiging malikhain na ang mga makabagong henerasyon sa paggamit ng mga salita.
Ibig sabihin lang ito ay umuunlad ang wika, o sa wikang Ingles ay nage-evolve ito. Umaangkop ito sa makabagong panahon.