Tao vs sarili?

Katanungan Sagot

Katanungan

tao vs sarili?

Sagot verified answer sagot

Tao vs sariliAng tao vs sarili o tao laban sa sarili ay uri ng panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa loob ng katauhan natin. Halimbawa nito ang suliraning may kinalaman sa moralidad at paniniwala.

Karaniwang suliranin ng tauhan kung ano ang pipiliing aksyon o kilos, kung tama ba o mali, kung ito ba ay mabuti o masama.

Maaari din naman itong tumukoy sa pagsupil ng sariling damdamin. Halimbawa nito ay ang paggawa ng isang aktibidad na maaaring magdulot sa kaniya ng kaligayahan ngunit maaari ding magpahamak sa kaniya kaya nagtutunggali ang kaniyang mga pagpipilian. Ang tauhan lamang ang nakalulutas sa hinaharap niyang suliranin.