Tatlong pagkukusang kilos ayon sa pananagutan ng isang anak?

Katanungan

Tatlong pagkukusang kilos ayon sa pananagutan ng isang anak?

Sagot verified answer sagot

Ayon sa pananagutan ng isang anak, narito ang tatlong halimbawa ng pagkukusang kilos na maaari nating ipakita:

Maging masunurin – ang mga magulang natin ang silang nagsisilbing gabay natin sa mundo. Mas matagal na silang nabubuhay kaya sila ang mas nakakaalam sa mas nakakabuti o nakakasama para sa atin. Lagi nating susundan ang kanilang mga payo

Maging magalang – bilang kadalasan ay mas nakababata tayong mga anak, kailangan nating magpakita ng galang at respeto sa ating mga nakakatanda. Lalo na sa ating mga magulang.

Maging maunawain – kailangan natin maintidihan at maunawaan ang ating mga magulang, lalo na sa mga desisyon na ginagawa nila para sa atin dahil hindi pa natin kayang magdesisyon para sa ating mga sarili lalo na kung tayo ay menor de edad.