Tatlong pagkukusang kilos ayon sa pananagutan ng isang kapit bahay?

Katanungan

Tatlong pagkukusang kilos ayon sa pananagutan ng isang kapit bahay?

Sagot verified answer sagot

Ang tatlong halimbawa ng mga pagkukusang kilos ayon sa pananagutan ng isang kapitbahay ay ang sumusunod:

Maging matulungin – bilang isang kapitbahay, kailangan natin ipakita ang ating pagiging matulungin. Isa yan sa mga kaugalian ng mga Pilipino, ang pagkakaroon ng bayanihan kung saan tumutulong tayo kahit hindi kinakailangan.

Maging mapagkumbaba – ang ating mga kapitbahay ay ang mga taong madalas nating makakasalamuha sa ating lipunan dahil sila ang pinakamalapit sa ating tahanan. Ang pagiging mapagkumbaba natin sa kanila ay pagpapakita ng respeto.

Maging sensitibo – ang mga kapitbahay natin ay hindi natin pamilya, kahit na parang pamilya na rin kung maituturing. Mahalaga pa rin na maging sensitibo sa mga bagay na pinag-uusapan.