Katanungan
Tawag sa lugar o bansang direktang kinontrol?
Sagot
Kapag ang isang lugar o bansa ay direktang kinokontrol, pinamamahalaan, at nililinang ng isang makapangyarihang bansa, ang tawag sa lugar o bansang ito ay kolonya.
Nangyayari ito dahil ang mas makapangyarihan na bansa ay nagkakaroon ng awtoridad na mangasiwa at mamuno sa mas maliit o hindi makapangyarihan na bansa.
Halimbawa nalang isang kolonya ay noong sinaunang panahon, ang ating bansang Pilipinas ay naging kolonya ng bansang Espanya sa loob ng mahigit 300 na taon.
Sa kasalukuyang panahon, marami pa ring mga lugar ang maituturing na kolonya ng isang makapangyarihang bansa. Ang Guam at US Virgin Islands ay parehong pa ring kolonya ng Amerika hanggang ngayon.