Katanungan
Ano ang tawag sa mga Negrito dahil sila ay maliliit na tao?
Sagot 
Ang tawag sa mga Negrito bukod sa Aeta o Ita, ay ang pygmy. Ang pygmy ay isang salitang English na tumutukoy sa kaliitan ng isang tao.
Ang salitang pygmy ay ginagamit ng mga sinaunang manunulat sa Greece upang tukuyin ang mga duwende o anumang maliit na organismo.
Tinawag na pygmy ang mga Negrito dahil sa maliliit ang mga ito. Ang mga Kastila ang nagpasimula ng tawag na ito sa mga katutubong Pilipino.
Nasa apat na talampakan lamang kasi ang taas ng mga Negrito kaya naman kapansin-pansin ang kanilang tangkad. Maliban dito, ang mga Negrito rin ay kilala sa kanilang kulot na buhok at makapal na labi.