Tawag sa mga panuntunan ng tamang paggamit ng internet?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

tawag sa mga panuntunan ng tamang paggamit ng internet?

Sagot verified answer sagot

Netiquette, hango sa pinagsamang mga salita sa wikang Ingles na internet etiquette, ang tawag sa mga panuntunan ng tamang paggamit ng internet.

Bagamat walang matibay na batas na nakasaad sa paggamit ng internet, binuo ang internet etiquette o netiquette upang maging responsible ang paggamit ng mga tao sa internet.

Ang netiquette ay isang paraan upang maging mahusay at maayos ang mga online na interaksyon ng bawat tao. Ang mga alituntunin sa ilalim ng internet etiquette ay hindi mahigpit na pinapatupad ngunit mas makakagaan sa loob kung ito ay susundin. Sa pamamagitan ng pagsunod ay pinapakita ng mga tao na sila at responsible at may respeto sa kanilang kapwa.