Tulang papuri para sa taong pumanaw?

Katanungan

tulang papuri para sa taong pumanaw?

Sagot verified answer sagot

Isang uri ng panitikan ang tula. Ito ay tumutukoy sa malikhang paglalarawan ng nararamdaman o damdamin ng isang tao. Isang uri ng tula ang tulang padamdam.

Ang tulang padamdam naman ay may mga uri rin. Kabilang na rito ang elehiya. Elehiya ang tawag sa tulang padamdam kung saan naghahayag ng papuri at emosyon ang manunula para sa isang taong minamahal na pumanaw na.

Nababalot ng kalungkutan ang elehiya, Kadalasan itong maririnig lamang sa lamay o tuwing libing. Magandang ehemplo ng tula ang elehiya para sa mga taong nagluluksa.

Sa pamamagitan ng elehiya ay maaari nilang sambitin ang mga salitang hindi nila nasabi sa yumao nilang minamahal.