Tumutukoy ito sa isang kritikal na sandali sa ating buhay?

Katanungan Sagot

Katanungan

tumutukoy ito sa isang kritikal na sandali sa ating buhay?

Sagot verified answer sagot

Tumutukoy ito sa isang kritikal na sandali sa ating buhayAng kritikal na sandali sa ating buhay ay tinatawag na krisis. Ang krisis ay isang pangyayari sa buhay ng tao o isang panahon o yugto na nakararanas ng pagkagipit o nahaharap sa labis na pagsubok.

Krisis din ang tawag sa yugto ng buhay kung saan labis ang nararamdamang pagdarahop o pagkasalat. Masasabing kritikal ang panahon ng krisis sapagkat ito na ay ang maituturing na pinakamalaking pagsubok na haharapin ng isang tao sa kaniyang buong buhay.

Ang krisis din ay maaaring sabay-sabay na kaharapin ng marami. Ang halimbawa nito ay ang kinaharap na krisis pangkalusugan ng mundo na COVID-19 kung saan marami ang nasawi.