Katanungan
Maaari po bang malaman kung ano ang tawag sa legal na proteksyon para sa mga likha ng manunulat, mang-aawit, at pintor? Salamat po.
Sagot
Karapatang-sipi o karapatang-ari (o Copyright sa wikang Ingles) ang tumutukoy isa legal na karapatan ng mga manunulat, mang-aawit, pintor at iba pa sa kanilang orihinal na likhang sining.
Bukod sa karapatan ay binibigyang proteksiyon nito ang mga manlilikha at ang kanilang mga gawain upang hindi ito basta-basta magamit ng publiko.
Kapag ang isang sining ay nasa ilalim ng copyright o karapatang-ari, ito ay kailangan ipagpaalam muna sa mga manunulat, mang-aawit, pintor, at iba pang manlilikha upang magamit.
Ang pagkakaroon ng karapatang-ari o copyright ay isang batas sa konstitusyon. Kaya naman ang mahuhuling lalabag sa batas na ito ay maaaring makasuhan at mabigyang ng karampatang parusa.