Katanungan
Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak sakop at pinsala?
Sagot 
Ang Hazard Assessment ay ang pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na pwedeng maranasan ng isang pook o lugar. Ang hazard o ang tawag sa mga pangyayari na nakapagbibigay pinsala na maaaring sa buhay, ari-arian, at kalikasan maganap ay sinusuri sa pamamagitan ng hazard assessment.
Kung saan sa pagsusuring ito malalaman ng komunidad kung anong mga uri ng sakuna, kalamidad o panganib ang pwedeng kaharapin ng kanilang lugar.
Ito ay mga suliraning maaaring gawa ng tao o hindi naman kaya ay mula sa kalikasan. Sa pagsusuring ito ay marapat na pagtuunan ng pansin ang pisikal at katangian ng isang lugar.