Unang nanahan sa Pilipinas

Katanungan Sagot

Katanungan

Sino ang mga unang nanahan sa Pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Ang mga taong sinasabing unang nanirahan sa Pilipinas ay ang mga Negrito. Tinatawag din silang Aeta o Ita. Sinasabi ng historyador na si H. Otley na ang mga Aeta o Negrito raw ang unang pangkat na dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng tulay na lupa, 20,000 taon na raw ang nakakaraan.

Sabi sa tala ng kasaysayan, ang mga Negrito raw ay mula sa Borneo at naglakad lamang patungo sa ilang bahagi ng Pilipinas tulad ng Palawan, Mindanao, at Mindoro.

Sabi naman ng ilang historyador, kahit na malaki ang posibilidad na totoo na ang mga Negrito ang unang tao sa Pilipinas, hindi naman malabo na may mga nauna pa raw dito gaya ng mga Taong Tabon.