Underemployment (KAHULUGAN)?

Katanungan

underemployment (KAHULUGAN)?

Sagot verified answer sagot

Ang underemployment ay tumutukoy sa nakuhang trabaho ng isang manggagawa na hindi nakaangkop sa kanyang kakayahan o kagalingan.

Ang pagiging isang underemployed ay kinapapalooban ng mga salik gaya ng kakulangan sa kwalipikasyon upang makapasok sa tamang trabaho o di naman kaya ay kakulangan sa bilang ng mga bakanteng posisyon kung saan sila naaangkop.

Dahil sa kaganapang ito, maraming manggagawa ang pumapasok sa ibang uri ng paggawa upang matustusan ang bawat pangangailangan.

Kabilang sa mga halimbawa nito ang isang indibdiwal na nagtapos ng guro subalit nagsilbi bilang isang call center agent o di naman kaya ay nagtapos ng kursong nars subalit ang napasukang trabaho ay domestic helper.