Uri ng abstrak na ginagamitan lamang ng simpleng pangungusap?

Katanungan Sagot

Katanungan

uri ng abstrak na ginagamitan lamang ng simpleng pangungusap?

Sagot verified answer sagot

Ito ang deskriptibong abstrak na naglalaman lamang ng 50 hanggang 100 na salita. Inilalahad nito ang primaryang ideya ng papel o akda at hindi isinasama ang metodolohiya, konklusyon, at resulta ng isang papel.

Nilalayon nito na ipahayag lamang sa maikling talata ang buod ng laman ng papel. Ang abstrak ay kailangan simple lamang ang mga pananalitang ginagamit upang mabilis at madali maunawaan ng mga magbabasa ng papel.

Kailangan malinaw ang paglahad ng mga konteksto upang hindi sayang ang oras sa pagbabasa. Simple ngunit malaman ang katangian ng abstrak para magkaroon ng “background” ang mga magbabasa hinggil sa tatalakaying diskurso o papel.