Ang panahon kung saan tinatawag din itong panahong neolitiko?

Katanungan Sagot

Katanungan

ang panahon kung saan tinatawag din itong panahong neolitiko?

Sagot verified answer sagot

Ang panahon kung saan tinatawag din itong panahong neolitikoAng panahon kung saan tinatawag din itong panahong neolitiko ay ang panahon ng bagong bato na sinasabi ring pinakahuling bahagi ng panahong bato.

Sa panahon ng bagong bato, natuto nang gumamit ng iba’t ibang kasangkapan gawa sa bato na higit na pulido at pino. Nananatili na rin ang mga tao sa kanilang pamayanan dahil alam na nila ang konsepto ng tahanan o paggawa ng bahay.

Sa panahong ito rin natutuhan ang pagtatanim ng halaman at pag-aalaga ng hayop o ang konsepto ng agrikultura. Sa panahong ito rin natuklasan ng mga tao ang kanilang kasanayan sa paggawa ng mga palayok at ang paghahabi.