Ano ang Bayanihan?

Katanungan

Ano po ang ibig sabihin ng Bayanihan?

Sagot verified answer sagot

Bayanihan, hango sa salitang bayan na ang ibig sabihin ay komunidad, ang tumutukoy sa pagkakaisa ng mga tao sa isang pamayanan, bayan, o lipunan upang matugunan ang layuning ninanais.

Isa itong tradisyunal na kultura sa ating bansang Pilipinas kung saan makikita ang diwang pagkakaisa at pagiging matulungin ng mga Pilipino sa kapwa nila Pilipino na walang hinihinging kahit anumang kapalit.

Noong sinaunang panahon, nauso ang bayanihan noong kinakailangan magbuhat ng bahay o mga kagamitan mula sa isang pamayanan patungo sa isa pang bayan.

Naging bahagi na ito ng kulturang Pilipino kung saan tumutulong tayo sa kapwa sa kahit anumang paraan, maliit na bagay man o malaki.