Ano ang Encomienda?

Katanungan

ano ang encomienda?

Sagot verified answer sagot

Ang encomienda ay tumutukoy sa isang sistema sa pagkakatiwala ng mga lupain sa mga tao o encomendero na ipinakilala ng mga mananakop na Espanyol sa Pilipinas.

Ang pagkakatiwala ng mga lupain ay nagbibigay responsibilidad sa mga encomendero upang mapangalagaan at maprotektahan ang mga mamamayan laban sab anta ng mga kalaban.

Gayundin, ang pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo sa mga mamamayan at paniningil ng mga kaukulang buwis.

Ang sistemang ito ay unang ipanatupad sa Pilipinas upang maging isang nababagong kolonya ng mga Espanyol noon pang taong 1570.

Si Miguel Lopez de Legazpi ang unang nagpatupad nito kung saan ipinamahagi niya ang mga lupaing pagmamay-ari ng mga Espanyol sa mga indibdiwal na tapat na naninilbihan sa pamahalaan.