Katanungan
Ano ang kahulugan ng Ekwador
Sagot
Isang termino ang ekwador kung saan tinutukoy nito ang isang imahinaryong pang-heograpiyang linya na siyang naghahati sa Hilaga at Timog na mga hemisphere ng globo. Hinahati nito ang globo sa parehong haba, na sinusunod ang latitude na zero degree.
Ekwador ang liny ana pinakamalapit sa gitnang teritoryo ng mundo. Kapag isang bansa ay nasa hilaga ng Ekwador, ito ay nasa Northern Hemisphere, at kapag nasa timog naman nito, ito ay nasa Southern Hemisphere.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng ekwador dahil hindi lamang ito basta-basta paghahati sa dalawang hemisphere ng mundo. Ang ekwador ang siya ring tumutukoy sa klima at panahon sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.