Katanungan
Ano po ba kasi ang ibig sabihin ng nobela?
Sagot
Nobela ang taguri sa isang akdang pampanitikan kung saan naglalaman ito ng kwento o naratibo ng mga pangyayari.
Isa ito sa mga makulay na sining ng panitikan bagama’t maaari itong hango sa totoong buhay o hindi kaya naman ay kathang-isip lamang ng may akda.
Ang isang nobela ay kadalasan mahaba na nahahati sa kabanata. Ngunit nauuso na rin naman ngayon ang mga maiikling nobela. Layunin ng isang nobela na mabigyan ng kawiwilihan ang mga mambabasa.
Minsan ay naglalaman rin ng magandang aral ang mga nobela. Ang nobela rin ay pwedeng pambata o pang-matanda. Isa sa mga pinakasikat na manunulat ng nobela para sa mga bata ay si J.K. Rowling na isinulat ang Harry Potter series.
Mga Sikat at Kilalang na Nobela sa Pilipinas
Narito ang ilang halimbawa ng sikat na nobela sa Pilipinas batay sa mga bagong listahan at rekomendasyon:
- “La Tercera” ni Gina Apostol
- “Yñiga” ni Glenn Diaz
- “The Heart of Summer: Stories and Tales” ni Danton Remoto
- “Stolen City” ni Elisa A. Bonnin
- “Chloe and the Kaishao Boys” ni Mae Coyiuto
- “Sophie Go’s Lonely Hearts Club” ni Roselle Lim.
Mula naman sa mga klasikong nobela, narito ang ilang halimbawa:
- “Lumayo Ka Nga Sa Akin” ni Bob Ong
- “El Filibusterismo” ni José Rizal
- “Noli Me Tángere” (Touch Me Not) ni José Rizal.
Ang mga nobelang ito ay nagpapakita ng iba’t ibang aspeto ng buhay sa Pilipinas, mula sa makulay na kultura hanggang sa mga isyung panlipunan.