Katanungan
ano ang maituturing na kontribusyon ng imperyong macedonia sa mundo?
Sagot
Ang kanilang kontribusyon ay ang Kulturang Helenistiko. Dahil sa laki ng sakop ng imperyong Macedonia kabilang na ang silangan at kanluran, mabilis nila itong naimpluwensiyahan hinggil sa kulturang helenistiko.
Ang kulturang helenistiko ay ang pagsanib ng mga tradisyon, kaisipan, at kultura ng Greece at Silangan, mayroon din itong kaisipin hinggil sa kanilang mga pulitika.
Sa kulturang helenistiko rin yumabong ang kaisipang pilosopiya hinggil sa karunungan at katalinuhan. Dahil din kay Alexander, napag-isa o sama-sama niya ang kaisipan ng mga iba’t ibang panig at naimpluwensyahan niya ito, ngunit sa lipunan o imperyong itinatag ni Alexander ay may kaginhawaan at kakulangan din ito.