Ano ang naging resulta ng pagkakatatag ng kilusang Propaganda?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang naging resulta ng pagkakatatag ng kilusang Propaganda?

Sagot verified answer sagot

Ano ang naging resulta ng pagkakatatag ng kilusang PropagandaAng pagkakatatag ng kilusang propaganda ay nagresulta ng pagkakamulat ng mga Pilipino sa kung ano talaga ang lagay ng bansa at kung gaano kalupit ang mga dayuhan sa kanilang mga kababayan.

Ang pagkilos ng mga ilustrado para labanan ang mga mananakop ay nagpalakas ng loob ng mga simpleng mamamayang Pilipino na kumilos rin.

Nagbunga ang pagkilos ng mga Propagandista ng iba’t ibang samahang nag-umpisa rin ng rebolusyon laban sa mga Kastila.

Kumilos na rin sila upang unti-unting labanan ang mga mananakop at nagkaroon ng tapang upang banggain ang mga Espanyol kabilang sa mga ito ay ang pagkakabuo ng KKK o Katipunan sa pangunguna ni Andres Bonifacio.