Ano ang naging tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng patronato real?

Katanungan

ano ang naging tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng patronato real?

Sagot verified answer sagot

Sa ilalim ng tinatawag nating patronato real, ang mga prayle ay nagkaroon ng tungkulin na ituro sa mga katutubong Pilipino ang Kristiyanismo at ang aral ng relihiyong Katolisismo.

Layunin rin ng mga prayle na magpatayo ng paaralan at simbahan sa pamayanang kanilang pinamamahalaan upang mas mapabilis ang pagkalat ng nasabing relihiyon.

At kapag tinanggap nan g mga katutubo at iba pang mamamayang Pilipino ang relihiyon, tungkulin ng prayle na pangasiwaan ang mga sakramento ng simbahan na kinakailangan.

Kailangan rin nilang patawarin ang mga nagkakasala, ayon sa turo ng simbahan. At isa pang tungkulin nila ay ang pangongolekta ng buwis para sa simbahan.