Ano ang Panitikan?

Katanungan

Ano ang kahulugan ng Panitikan? Paki explain po ang sagot. Salamat.

Sagot verified answer sagot

Panitikan ang tawag sa anumang uri ng akda na naisulat, nakasulat, o maisusulat pa lamang at naglalaman ng pahayag, palaisipan, damdamin, karanasan, hangarin, konsepto, at diwa ng isang manunulat.

Nagmula ang salitang panitikan sa “pang-titik-an,” kung saan ang “tiktik” ay nangangahulugang “literature.”

Mahalaga ang panitikan dahil ito ay naglalarawan ng buhay, kultura, pamahalaan, relihiyon, at iba pang karanasan na nabibigyang kulay sa buhay ng isang tao.

Sa panitikan natin mababasa ang mga mahahalagang pangyayari, hindi lamang sa ating bansa kung hindi ay maging na rin sa mundong ating ginagalawan. Sa panitikan rin makikita ang mga makatotohanang impormasyon na ating pinag-aaralan.