Katanungan
Ano ang purdah Ano ang halaga ng pagsusuot ng purdah ng mga kababaihang muslim?
Sagot
Ang purdah ay isang tabing o tela na ginagamit ng mga Muslim na kababaihan upang hindi masilayan ang kanilang mga mukha.
Ang pagsusuot ng purdah ng mga kababaihang Muslim ay pagpapahalaga upang hindi maipakita ang mukha ng babae sa kahit na sinong tao na makakikita sa kanila.
Ang purdah ay nahahati sa dalawang anyo, ito ang segragasyon ng pisikal na kasarian at isang obligasyon na kung saan ang hubog ng bawat babaeng Muslim ay nararapat itago bilang tanda ng kanilang pagpapahalaga sa aral ng kanilang relihiyong Islam.
Ang paggamit ng purdah ay hango mula sa Namus na tumutukoy sa isang patriyarkal na pagpapahalaga ng mga Muslim na matatagpuan sa Gitnang Silangan.
Nakapaloob sa paggamit nito ang pagiging marangal, kagalang-galang, at maging kahinhinan ng mga kababaihan.