Ano ba ang katangian ng traditional economy?

Katanungan

ano ba ang katangian ng traditional economy?

Sagot verified answer sagot

Ano ba ang katangian ng traditional economyAng ilan sa mga katangian ng traditional economy ay ang: pagkakaroon ng basehan ayon sa tradisyon, kultura, at paniniwala ang kanilang ekonomiya; umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng damit, pagkain, at tahanan; at hindi mahalaga sa kanila ang pagpapalakas ng ekonomiya sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng produkto at pag-iisip ng ibang paraan, produkto, at estratehiya kung paano mas kikita ng pera para sa kanilang ekonomiya.

Sinasabing tinawag din itong traditional na ekonomiya sapagkat ito ang unang sistemang pang-ekonomiyang umiral sa mundo. Naitala rin na ito ang uri ng ekonomiya na umiiral bago pa magkaroon ng konsepto ng ekonomiya sa mundo.