Katanungan
Ano po ba ang kultura ng mga Inglatero na natutunan natin mula sa dula at sa ikinilos ng mga tauhan?
Sagot
Mula sa dulang pinamagatang “Romeo at Juliet” na isinulat ni William Shakespeare, mababatid at makikita natin ang kultura ng mga Inglatero.
Una sa lahat, sila ay mahilig sa mga magarbong handaan at okasyon dahil madalasa ay may handaang nagaanap sa dula.
Maibabatid rin kung ano ang impluwensiya ng monarkiyang pamamahala sa Inglatera dahil ipinapakita ang kalahagaan ng herarkiya at pagbibigay importansya sa kaharian ng bansang England.
Ang mga tauhan sa dula naman ay nagpapakita ng mga kilos na may kakisigan at elegansya, na siya naman naaayon sa antas ng kanilang pamumuhay sa dulang nabanggit. Makikitang makapangyarihan ang bawat pamilya sa dula.