Anong kultura ng mga Pilipino ang masasalamin sa balagtasan at bakit ito dapat ipagpatuloy?

Katanungan

anong kultura ng mga pilipino ang masasalamin sa balagtasan at bakit ito dapat ipagpatuloy?

Sagot verified answer sagot

Ito ay isang manipestasyon na hindi magpapatalo agad ang mga Pilipino pagdating sa mga patimpalak at tagisan ng talino.

Ang balagtasan ay parang isang debate o sagutan ng dalawang mambabalagtas hinggil sa isang paksa na kailangan may malikhang tugma ang binibigay nilang mga linya.

Dahil sa balagtasan ay napapalalim nila ang diskurso at napapalawak din ang ating wika sa pag gamit nito. Kailangan handa ang bawat kalahok dito dahil may tugma ang dapat nilang sabihin at pormal silang makikipagtalastasan.

Bukod pa rito, ang balagtasan ay matagal nang nasimula at nakilala sa Pilipinas. Kadalasan ginagamit ito sa loob ng mga akademya.