Anong pangalan ng kasunduan naisilang ang Republika ng Turkey?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

Anong pangalan ng kasunduan naisilang ang Republika ng Turkey?

Sagot verified answer sagot

Ang Kasunduang Lausanne ang pangalan ng kasunduan naisilang ang Republika ng Turkey. Ang kasunduang Lausanne o sa wikang Pranses ay kilala bilang Traite de Lausanne ay isang klase ng pangkapayapaang kasunduan nakilala noong Hulyo 24 taong 1923.

Ito ay pinirmahan sa Switzerland partikular na sa Palais de Rumine na matatagpuan sa Lausanne. Ang kasunduang ito ang nagsilbing tulay at madato upang matuldukan ang mga sigalot at digmaang umiral noong Unang Digmaang Pandaigdig.

Ang kasunduang ito ay pinaniniwalaang pangalawa sa mga kasunduang nabuo upang matigil ang bawat sigalot. Nalikha ito matapos hindi magtagumpay ang unang kasunduan para sa kapayapaan na tinawag na Treaty of Serves.