Katanungan
Anong samahan ang nais wakasan ang pananakop ng mga Español sa pamamagitan ng puwersa o lakas?
Sagot 
Ang samahang nais wakasan ang pananakop ng mga Espanyol sa pamamagitan ng puwersa o lakas ay ang Katipunan.
Ang Kilusang Propaganda ay binubuo ng mga ilustradong nasa ibang bansa at nais nilang gamitan ng talino ang kanilang mga kalabang mananakop at hindi dahas.
Bagaman naging inspirasyon ni Andres Bonifacio, utak ng Katipunan, ang katalinuhan at katapangan ng mga kasapi ng Kilusang Propaganda, malakas ang paniniwala niya na hindi uubra ang utakan lamang sa mga Kastila.
Batid niyang kailangang may dumanak na dugo para makamit ang inaasam na kalayaan kaya naman ito ang naging pangunahing misyon ng Katipunan at nag-ipon sila ng mga armas at iba pang kagamitan sa pakikidigma.