Anong taon dumating ang mga Hapon sa Maynila?

Katanungan

anong taon dumating ang mga hapon sa maynila?

Sagot verified answer sagot

Taong 1942 ng pasukin ng hukbong militar ng mga Hapon ang Pilipinas at tuluyang lusubin ang kabisera ng bansa – ang Maynila.

Ang pananakop na ito ay noong kasagsagan rin ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Namalagi sa Pilipinas ang mga Hapones ng tatlong taon lamang, kumpara sa pananakop ng mga Amerikano at Espanyol.

Ngunit sa loob ng tatlong taon na iyon, ang hirap at abuso na dinanas ng ating mga ninuno ay talaga namang napakasakit.

Maraming mga sundalong Pilipino ang namatay. Maging ang mga natirang sundalong Amerikano sa bansa ay hindi naging ligtas sa kamay na bakal ng mga militar na Hapones.