Ikalawang Digmaang Pandaigdig

« Back to Glossary Page
Synonyms:
World War 2, WW2

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o sa ingles ay World War II ay sumiklab naman noong 1939 at nagwakas sa taong 1945.

Ayon sa kasaysayan, ang labanang ito ay kinasangkutan ng lahat ng kontinenteng pinag-titirahan ng mga tao na kung saan tinatayang ang ikalawang digmaang ito ang pinakamadugo, pinakamalawak, at pinakamahal.

Ang itinuturong sanhi ng pagsiklab ng labanang ito ay ang ambisyon ng mga bansang makapangyarihan na sakupin ang iba’t ibang teritoryo upang mahirang na pinakamalakas sa lahat.

Idagdag pa riyan ang nasyonalismo na kung saan ninais ng mga tao na mapalawak ang panlipunan, pampulitika, pangkabuhayan, at pangkulturang aspeto.

Ito rin ang nagpasidhi sa bansang Germany sa pangunguna ni Adolf Hitler na makapaghiganti matapos mailagay sa kahihiyan ang bansa dahil sa pagkasawi sa Unang Digmaang Pandaigdig.

Ilan pa sa mga naging dahilan ang pagkakaroon ng alyansa o kampihan ng mga bansa, ang pagkakaiba-iba ng mga ideolohiya o paniniwala ng bawat teritoryo, pang-aagaw o pananakop ng ibang mga bansa, at ang paglabag o hindi pagsunod sa kasunduan.

Ilan sa mga pinangyarihan ng nasabing digmaan ay ang mga bansang Europa, Estados Unidos, at karagatang Pasipiko.

Dahil sa digmaang ito, maraming indibidwal ang nagbuwis ng buhay, maraming ari-arian ang nasira at nawasak, at bumagsak ang ekonomiya ng mga bansa.