Kailan tuluyang nasakop ng mga Hapon ang Pilipinas?

Katanungan

Kilan daw po nasakop ng Hapon yung bansang Pinas?

Sagot verified answer sagot

Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tuluyang nasakop na ng mga Hapones ang ating bansang Pilipinas noong Enero 2, 1942.

Matatandaang binobomba ng mga Hapon ang Pilipinas noong Disyembre ng 1941. Nang tuluyang makapasok ang Imperyong Hapon ay umatras na ang mga Amerikano at sumailalim na ang mga Pilipino sa matinding pananakop at pang-aabuso ng mga Hapones.

Sa ilalim ng kanilang mga kamay naganap ang pinakamadugo at pinaka-abusadong okupasyon. Nangyari ang isa sa mga pinaka nakakalungkot na trahedya, ang Bataan Death March, sa ilalim ng imperyalismong Hapon.

Ang mga Hapones ay nanatili sa Pilipinas hanggang sila ay matalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong taong 1945.