Katanungan
Ano po ang apat na anyo ng globalisasyon?
Sagot
Mayroong apat na anyo ang globalisasyon. Una na rito ang eknomikong anyo, kung saan ang pinag-aaralan ay ang sentrong pagdaloy ng mga kalakal sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Binibigyang daan nito ang pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa. Ang ikalawang anyo naman ay tinatawag na teknolohikal na anyo.
Mula sa ngalan nito, sentro nito ang makabagong teknolohiya at kung ano ang epekto nito sa globalisasyon.
Ikatlo naman ang sosyo-kultural kung saan ito ang anyo ng globalisasyon na pandaigdigang nagpapalaganap ng mga kaalaman, ideya, at iba pa.
Ang ika-apat naman na anyo ay ang politikal na anyo. Ito ang pagpapalawak ng pampulitikang ugnayan ng mga bansa.